Dwellings of my retribution

Saturday, January 28, 2006

Pagod.


Medyo matagal na rin akong hindi nag-update, dami kasing school work at palapit na rin ang aming prelims. So far, so good naman, nakakaahon naman ako kaso lang napuputol na ang aking tulog. Sa tingin ko kailangan ko nang baguhin ang layout kong ito. Naalala ko kasi ang aming Botany eh..haha (Ayoko na mag-Botany)

Ang buong araw na ito ay nasayang sa paggawa ng napakahaba at napakahirap na assignments sa Quali Chem, ok nasagutan ko naman HALOS lahat. Sa monday practical namin sa arnis di ko pa masyado gets yung isang move. Bahala na. Haay palapit na rin ang February...meaning lapit na rin b-day ko (noo!!) ayoko pa mag 17 haha.

Hmm...ngayon ano ginagawa ko...nagaaral sa Botany...yung mga microgametophyte, megasporangium...[yawn]....Yun lang muna pagod na talaga kasi ako e...

Bye Bye