Dwellings of my retribution

Sunday, October 30, 2005

Stereotypes

Binabasa ko yung book ni Bob Ong yung "ABNKKBSNPLAKO?!" at nabasa ko itong part na ito. Nakalagay dito yung mga different stereotypes ng mga students sa isang class...

1. Clowns- Ang official na kenkoy ng klase. May mga one liner na gumigising sa lahat pag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher eto raw ang mga KSP sa klase na dahil di naman daw matalino dinadaan na lang sa pagpapatawa ang pagpapapansin.

2. Geeks- Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard ang iniintindi. Kahit mainit ang ulo ng teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equation kung isa-substitute yung value ng x sa y

3. Hollow Man [may dalawang uri ito]

Type A- Mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan.

Type B- mag-aaral na bagamat present hollow lagi ang utak.

4. Spice Girls- Barkadahan ng mga kababaihan na mahilig gumimik, sabay-sabaypero laging late pagkatapos ng recess at lunch. Mga kikay at laging magkasama sa mga groupings

5. Gwapings- Male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Kadalasan puro hair gel ang laman ng mga utak nila.

6. Politicians- Mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at mga kapwa estudyante kaysa sa grades nila.

7. Athletes- Mga varsitarians na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa.

8. Performers- Mga estudyanteng kaya lang yata pumasok sa eskwelahan para makasayaw, makakanta at makatula sa stage.

9. Guiness- Mga record holders sa pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na laging mali ang sagot.

10. Leather Goods- Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Determinado mangopya, bulgarang pandadaya. Talo ang balat ng mga buwaya sa pakapalan.

11. Weirdos- Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase.

12. Mga Anak ni Rizal- Endangered species sa mga eskwelahan. Straight A student pero well rounded at hindi geek. Teacher's pet pero di sipsip. Hari/Reyna ng Math, Science at English, pero may time parin sa mga extra curricular activities at gimmicks.

13. Bob Ongs- Mga medyo matino na may sayad. Mga estudyanteng habang nagle-lecture ang guro e pinaplano na yung librong ipa-publish niya tungkol sa classmates niya.

14. Commoners- Mga generic na miyembro ng klase. Kulang ang individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila