@#%!?!!%#$
Pasensya na sa title, magugulat talaga kayo pag isusulat ko yan in letters. :P. Kakaiba talaga ang araw na ito...For the first time in almost a month, wala kaming assignments! :P sinamantala ko na ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng pagtulog ng buong hapon... Kanina pa la akala ko late na ako, kasi 7:15 na, buti na lang late rin yung prof..este yung sub pala namin kasi manganganak na yung prof namin sa Chem Lec...It was one of the shortest lesson siguro mga 20 mins lang kasi super late ng prof at parang konti lang yung pumasok sa utak ko...Next was Theo...binalik na ang mga monthly exams...Leche kinabahan talaga ako kasi nakita ko yung mga score ng mga tao: 4/30, 6/30, 11/30...anu pa kaya score ko...Sa awa ng diyos 24/30 ako, at may +2 pa kaming lahat!!! Dami kasing mababa :P...Anyway 93 yung percentage...Sunod naman ang pagakyat namin sa pinakatuktok ng main building para sa Chem Lab...good exercise!! :P Binalik rin ang monthly exams namin...50/60 ako...wahaha ok lang, pero ang dami kong mali due to stupidity :P Binalik rin yung last 2 quizzes namin..13/20 sa last quiz!! halos lahat naman kami mababa dun...13/15 naman ako sa second to the last quiz...woo 13 [lucky number!] After meeting yung group namin para sa aming Noli Play para sa RC...and as usual wala namang nangyari...parang High School :P
Sige that's all for now...Till then :P

<< Home